Dagdag honorarium ng mga BHW, pinaplano na ng provincial government

Planong dagdagan ng provincial government ng Pangasinan ang amelioration o honorarium ng mga Barangay Health Worker dahil sa sakripisyo at serbisyong inihahatid nito sa kanilang mga ka-barangay.

Ayon kay Pangasinan Governor Amado I. Espino III, sisikapin nilang madagdagan ito sa susunod na taon dahil ngayong taon ay nabawsan ang Internal Revenue Allotment o IRA ng Pangasinan.

Unang sinabi ni Boardmember Jeremy Agerico Rosario, Chairman ng Committee on Health na hindi madali ang usapin ng pagtataas honorarium ng mga BHW dahil milyon ang gagastusin dito ng probinsya.

Subalit gagawin pa rin ng Provincial Government ang lahat ng paraan para mabigyan ng dagdag ang honorarium ng mga BHW.

Ganunpaman, patuloy naman umano ang benipisyong ibinibigay sa mga BHW kabilang na ang programang point of care sa mga ospital na pinatatakbo ng probinsya.

Speak Your Mind

*