Dagdag presyo ng LPG, ipinatupad ng mga kompanya ng langis

Nagpatupad ng panibagong “big time price hike” ang ilang kompanya ng langis sa Liquefied Petroleum Gas o LPG.

Nagtaas ang Petron ng limang piso at tatlumpung sentimos ( P5.50) sa kada kilo ng Gasul at Fiesta o katumbas ng limampu’t walong piso at trenta sentimos (P58.30) na dagdag presyo sa bawat labing isang kilogram na tangke nito.

Tinaasan din ng Petron ng tres pesos ang presyo ng kada litro ng x-tend auto-lpg na ginagamit sa taxi.

Epektibo ang big time price hike kaninang alas dose uno ng hatinggabi.

Asahan namang susunod na mag-aanunsiyo ng taas presyo ng lpg ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.

Ito ay epekto ng contract price sa pandaigdigang pamilihan kasabay ng panahon ng tag-lamig.

Speak Your Mind

*