Dagdag-singil sa kuryente ng Meralco, tatagal hanggang buwan ng Mayo

Inaasahang tatagal hanggang sa buwan ng Mayo ang pagpapatupad ng Meralco ng dagdag-singil sa kuryente.

Ito’y matapos ang 92 centavos kada kilowatt hour na dagdag ng Meralco para sa buwan ng Pebrero.

Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil hanggang mayo ay bahagi pa rin ng kanilang recovery period bilang pambayad sa renewable sources ng Energy at back-up power supply.

Samantala, tamang tama naman umano ang lamig ng panahon ngayong mga nagdaang araw para mas makatipid sa kuryente ang publiko.

Mababatid na bukod sa power rate hike ngayong Mayo ay magpapatupad rin ng dagdag-singil ang meralco sa buwan naman ng Marso.

Speak Your Mind

*