Dagupan PNP, suportado ang planong pag-marka sa mga bahay na ‘drug-free’

Walang dahilan para hindi sumunod ang pambansang pulisya sa posilidad na paglalagay ng selyo o marka sa mga kabahayang drug-free na o wala nang bahid na iligal na droga.

Ito ang inihayag ni Police Superintendent (P/Supt) Niel Miro, Chief of Police ng Dagupan City PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Una rito, pinaplano ng Department of the Interior and Local Government o DILG na dikitan ng stickers o selyo ang mga tahanan na patunay na walang gumagamit ng ilegal na droga o transakyson ng iligal na droga.

Ayon kay Miro, wala pa naman silang natatanggap na kautusan ngunit kung ito aniya ay para sa ikabubuti ng sambayanan sa agad silang tatalima.

Sa ngayon, ipinauubaya na aniya ng PNP ang kampanya kontra ilegal na droga sa Philippine Drug Enforcement agency (PDEA)

 

Nabatid na layunin ng pagseselyo na mahikayat ang bawat pamilyang Pilipino na tuluyan ng wakasan ang illegal na droga sa komunidad.

—– 

Posibilidad na muling mabuhay ang ilegal drugs sa mga drug free barangay, ikinabahala ng Dagupan PNP

May posibilidad na muling maging aktibo ang operasyon ng illegal na droga sa mga lugar na idineklara nang “Drug Free Barangay” ng Philippine National Police (PNP).

Ito ayon kay Police Superintendent (P/Supt) Niel Miro, Chief of Police ng Dagupan City PNP ay dahil mayroon ng ilang report silang natatanggap ngunit hindi sila makakilos dahil sa suspensyon ng Oplan Tokhang.

Nakakabahala aniya na kung matatagal pa bago ibalik ang “drug on war” sa PNP dahil mahihirapan na silang pasimulan ang kampanya kontra ilegal na droga.

Sinabi pa ni Miro na bago pa ipatigil ang operasyon ng Oplan Tokhang at Project Double Barrel ay nasa 28 barangay o nasa siyamnapung porsyento ang deklaradong “drug free barangay” sa Dagupan.

Dahil dito, patuloy aniya na pinapalakas ang police visibility, integrated patrol system sa pamamagitan ng malawakang check point, oplan sita, galungad at iba pa.

 

Ang tinig ni P/Supt. Niel Miro, Chief of Police ng Dagupan City PNP sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*