Dagupan PNP, tuloy ang paalala sa kapulisan na iwasang masangkot sa anumalya.

Hindi umano nakukulang si Dagupan City PNP Chief P/Supt. Niel Miro na magbigay paalala sa kanyang kabaro na iwasan na masangkot sa anumang anumalya.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Miro na ginagawa ng ang pagpapaalala tuwing monday flag raising ceremony na tinatawang na trops information and education.

Iginiit ni Miro na wala nang dahilan para masangkot ang isang pulis sa kurapsyon o anomalya dahil lumaki naman ang kanilang suweldo.

Ang dapat lang aniyang gawin ay pagkasyahin ang tinatanggap na sahod mula sa gobyerno at mamuhay ng naaayon sa estado ng kanilang pamumuhay.

 

Dagdag pa ni Miro na sakaling masangkot ang isang pulis sa anumalya ay dapat agad ding masisibak ang kanyang superior o ang isang chief of police.

Speak Your Mind

*