Daniel, itinangging pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Erich

Pinabulaanan ng aktor na si Daniel Matsunaga na pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Erich Gonzales.

Ayon kay Daniel, hindi naging isyu sa kanila ang pera at hindi rin umano third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Erich.

Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye si Daniel sa hiwalayan nila ni Erich at ipinapasa-Diyos na lamang ang nangyari.

Una nang kinumpirma ni Erich na hiwalay na sila ni Daniel na nakarelasyon ng aktres sa loob ng dalawang taon.

Speak Your Mind

*