Daniel Matsunaga, pinabulaanang hiwalay na sila ni Erich Gonzales

Pinabulaanan ng aktor na si Daniel Matsunaga ang usap-usapan na hiwalay na sila ng kasintahan na si Erich Gonzales.

Ito ay matapos burahin ni Erich ang lahat ng pictures nila ni Daniel sa instagram account nito.

Ayon kay Daniel, mayroon lamang silang pinagdadaanan ng girlfriend at kasalukuyan nila itong inaayos.

Umaasa naman ang DanRich fans na maayos ng dalawa ang gusot sa kanilang relasyon.

Speak Your Mind

*