Database-sharing system at training sa mga guard ni Duterte, inalok ng Russia

Inalok ng Russia ang Pilipinas para magkaroon ng access sa intelligence database para sa laban kontra sa krimen.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, inimbitahan ni Russian Security Council Nikolai Patrushev ang Pilipinas para magkaroon ng database-sharing system at training sa elite forces na naka-assign na magbantay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagkaroon ng pagpupulong ang security officials ng Russia at Pilipinas sa Davao City.

Pinag-usapan din ang pagbuo ng isang military technical cooperation agreement.

Matatandaang nagpahayag ng kanyang pagsuporta sa Russia si Duterte at pinuri pa si Russian President Vladimir Putin.

Si Duterte ay nakatakdang magtungo saMoscow, Russia sa Mayo.

Speak Your Mind

*