Dating Senadora Madrigal, nagbantang kakasuhan si Aguirre

Pinasinungalingan ni dating Senadora Jamby Madrigal ang paratang na isa siya sa mga nag-alok ng isandaang milyong suhol sa mga high-profile inmate para baligtarin ang testimonya laban kay Senador Leila De Lima.

Ani Madrigal, hindi niya nakauusap at hindi rin niya kamag-anak si Lalaine Madrigal-Martinez, asawa ng isa sa high-profile inmates na si Noel Martinez.

Dagdag pa ng dating senadora, kuryente ang impormasyong ipinagkakalat ni Aguirre.

Ipinaalaala ni Madrigal kay Aguirre na huwag na itong makisali sa pagpapakalat ng ‘conspiracy theories’ lalo pa ang paninirang-puri.

Tinawag ni Madrigal ang mga pahayag ni Aguirre na walang batayan at malisyoso.

Dapat umanong humingi ng paumanhin sa kanya si Aguirre dahil kung hindi ay posibleng sampahan umano niya ng kaso ang kalihim.

Speak Your Mind

*