DCWD, prayoridad ang pagpapatupad sa Septage Management Program

Prayoridad ngayon ng Dagupan City Water District (DCWD) ang pagpapatupad ng kanilang sanitation service sa pamamagitan ng Septage Management Program (SMP).

Ito ang inihayag ni Maria Margarita Navata, tagapagsalita ng Dagupan City Water District o DCWD sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Forum.

Sinabi ni Navata na ang naturang programa ay idinulog na nila sa Public Hearing sa 2nd floor ng City Museum noong January 13, 2017 para ipaliwanag ang kagandahan ng pagkakaroon ng Septage Management Program.

Partikular aniya rito ang tututukan ang mga septic tank sa Dagupan upang matiyak ang kalinisan na tubig sa lungsod at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit.

 

Nabatid na kasama sa mandato ng DCWD ang mag-operate hindi lang sa water supply kundi trabaho din nila ang proper disposal ng waste water.

 

Ang tinig ni Maria Margarita Navata, tagapagsalita ng Dagupan City Water District.

Speak Your Mind

*