Decorp, nagpapatupad ng refund sa mga meter deposits ng kanilang consumers

Nagpapatupad na ang refund o ibinabalik na ng Dagupan Electric Corporation o Decorp ang unclaimed meter deposits na nauna na nilang siningil sa kanilang  mga consumers.

Matatandaang nag-refund ang Decorp ng meter deposit kasama ang interes sa kanilang mga consumer walong taon na ang nakakaraan ngunit marami sa mga consumers ang hindi nakuha nito.

Ayon kay Atty. Randy Castilan, Legal Officer at Spokeperson ng Decorp na nakalagay ang pera sa isang account at anong oras ay maaari itong i-refund ng kanilang mga consumer.

Inumpisahan na aniya ang pagre-refund ng meter deposits noong unang araw ng Enero at matatapos hanggang huling araw ng Disyembre taong 2017.

 

Para namang makapag claim, magtungo lamang sa tanggapan ng Decorp at ipakita ng mga ito ang katibayan na sila ay registered consumers ng Decorp.

Speak Your Mind

*