DENR Sec. Lopez, tiniyak ang plano sa mga apektadong minero

Tiniyak ni Environment Secretary Gina Lopez na mayroong plano ang gobyerno para sa mga minerong maaapektuhan ng pagpapasara sa mga minahan.

Sinabi pa ni Lopez na bigyan lamang siya ng isa at kalahating taon para ipakitang kaya niyang makalikha ng trabaho sa mga lugar kung nasaan ang mga isasarang minahan.

Kung mabibigo si Lopez ay handa umano siyang magbitiw sa pwesto.

Duda naman aniya ang kalihim sa datos na ibinigay ng Chamber of Mines.

Ayon kay Lopez, sa third quater ng 2016 ay mayroon lamang 219,000 na minero.

Nagpatawag naman si Senador Joel Villanueva ng inquiry tungkol sa umano’y 1.2 milyong katao na apektado sa pagpapasara ng dalawanpu’t tatlong minahan sa bansa.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Enersto Abella na papairalin ng Malakanyang ang due process para sa mga mining companies na lumabag sa batas.

Speak Your Mind

*