DepEd Region 1, nilinaw na hindi pa ipinagbabawal ang educational field trip

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) Regional Office 1 na wala pang memorandum orders na ipinagbabawal ang educational tour o field trip sa mga estudyante.

Ngunit ayon kay Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng DepEd-Region 1, dapat lahat ng safety maeasure sa isasagawang field trip ay natugunan.

Dapat din umanong mayroong pahintulot ng magulang o parent consent, hindi dapat sapilitan o compulsory sa mga estudyante ang sumama sa field trip at no collection policy.

Hindi rin aniya maaaring gawing panakot o gawing basihan para sa grades ng mga estudyante ang pagsama sa field trip.

 

 

Sinabi pa ni Nieto na obligasyon din ng paaralan at mga guro na tumayong pangalawang magulang sa mga estudyante sa panahon ng field trip.

 

Nabatid na naungkat ang naturang usapin matapos ang malagim na aksidente na kinasasangkutan ng isang field trip na ikinasawi ng labing lima katao at ikinasugat ng mahigit tatlumpung estudyante.

—— 

 

Speak Your Mind

*