Diego Loyzaga, naglabas ng sama ng loob sa amang si Cesar Montano

Naglabas ng sama ng loob ang aktor na si Diego Loyzaga sa amang si Cesar Montano.

Ito ay kasunod ng banta ni Cesar na ipadadampot ang anak dahil sa paggamit umano ng iligal na droga.

Sa instagram post ni Diego, galit nitong sinagot ang ama, lalo’t limang beses na siyang nagnegatibo sa drug test.

Pinatamaan din ni Diego ang sariling ama tungkol sa mga pangako at suportang hindi nito natutupad.

Sa ngayon ay wala pang sagot dito si Cesar.

Speak Your Mind

*