DOH, paiigtingin ang pagtuturo ng Reproductive Health Education

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na paiigtingin nila ang Reproductive Health Education na angkop sa edad ng mga mag-aaral.

Ito ang tugon ng DOH sa pahayag ng Department of Education (DepEd) na hindi sila makikibahagi sa pagpapakalat ng condoms sa mga eskwelahan.

Sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial na iginagalang nila ang naging desisyon ng DepEd.

Tiniyak ni Ubial na naka-focus sila ngayon sa pagpapakalat ng sapat na kaalaman sa reproductive health para labanan ang pagtaas ng bilang ng HIV cases, AIDS at teenage pregnancy.

Speak Your Mind

*