DOJ, hinamon sa isyu ng Korean mafia

Hinamon ni Korean businessman Kang Tae Sik si Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre na pangalanan kung sino ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagkakasangkot niya sa Korean mafia.

Sinabi ni Kang, na sa pamamagitan ng pagbubunyag ni Aguirre ay tiyak na malalantad din ang illegal na aktibidad ng naturang sindikato.

Matatandaang sa Senate hearing sa Jee Ick-Joo kidnap-slay case noong Pebrero 23, sinabi ni Aguirre na isang hindi pinangalanang opisyal ng pamahalaan ang nagsabi sa kanya na isang Kang Tae Sik ang siyang pinuno ng Korean mafia.

Ayon sa abugado ni Kang na si Atty. Redentor Viaje, kailangang magpakita ng kongkretong ebidensiya si Aguirre para patunayan ang alegasyon nito.

Speak Your Mind

*