DOJ, ilalabas na ang resolusyon sa mga reklamo laban kay Sen. de Lima

Inaasahang ilalabas na ngayong linggo ng Department of Justice (DOJ) ang resolusyon sa mga reklamo laban kay Senadora Leila de Lima kaugnay ng drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Ang naturang reklamo ay isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI), Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), nina dating NBI Deputy Directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala at ng high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Noong nakaraang buwan, umapela si De Lima sa Court of Appeals (CA) na pigilan ang DOJ na magdesisyon sa mga reklamong inihain laban sa kanya.

Iginiit ni De Lima at ng kanyang mga kapartido sa Senado na ang Ombudsman ang may kapangyarihang magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyong ibinabato sa senadora.

Speak Your Mind

*