DOLE Western Pangasinan, tumatanggap na ang aplikasyon para sa SPES

Bukas na ang Department of Labor and Employment o DOLE-Western Pangasinan sa pagtanggap ng aplikasyon para sa Special Program for the emPLOYMENT for Students (SPES).

Ito ayon kay Bernadette Mamitag, District Chief Officer ng DOLE Western Pangasinan ay para sa kanilang target slots na 863 sa buong Western Pangasinan.

Hinikayat ni mamitag ang lahat ng mahihirap pero karapat-dapat na mga estudyante na magtungo sa alinmang tanggapan ng peso para sa subukang mag-apply sa summer job na handog ng DOLE.

 

Ang SPES ay ipinapatupad ng DOLE sa ilalim ng Republic Act Number 9547 kung saan mabibigyan nito ng pagkakataon ang mga mahihirap na mag-aaral, edad 15 hanggang 25 na makapag-trabaho tuwing summer season

—–

DOLE, nakakatanggap parin ng ilang reklamo hinggil sa tamang pasahod

Nakakatanggap parin ang Department of Labor and Employment o DOLE Western Pangasinan ng ilang reklamo hinggil sa tamang pasahod sa kanilang mga empleyado.

Ito ang inihayag ni Bernadette Mamitag, District Chief Officer ng DOLE Western Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Ayon kay Mamitag, kadalasan aniyang katuwiran ng mga ito ay hindi pa nakaka-adjust sa bagong minumin wages order lalo na sa mga kumpanya na nasa private sector.

Dahil dito, patuloy umano ang ginagawang paalala at orientation ng DOLE sa mga kumpanya na sumunod sa tamang pasahod na ilalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB).

 

Ang tinig ni Bernadette Mamitag, District Chief Officer ng Department of Labor and Employment Western Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*