Donald Trump, maglalabas ng bagong EO sa travel ban     

 Maglalabas ng bagong executive order (EO) si US President Donald Trump para palitan ang kontrobersiyal na travel ban.     

Sa isang press conference, sinabi ni Trump na ang bagong EO ay mas maayos na at masasagot na ang mga isyung inungkat ng Federal Appeals Court Judge.

Pansamantalang hinarang ng Federal Appeals ang orihinal na EO sa travel ban ni Trump.      

Tinawag pa ni Trump ang korte na masama matapos ang pagharang nito sa travel ban.      

Hindi naman nagdetalye si Trump sa kanyang ilalabas na bagong EO.

Speak Your Mind

*