Drug war ni Duterte, hindi magtatagumpay kung hindi magbabago ng istratehiya

Nagbabala si dating Colombian President César Gaviria kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magtatagumpay ang laban nito kontra- droga sa Pilipinas.

Sa isang artikulong isinulat ni Gaviria sa New York Times, sinabi ng dating Pangulo ng Colombia na hindi magtatagumpay ang war on drugs kung gagamitan ng kamay na bakal.

Ani Gaviria, ginawa na rin niya ang istratehiyang ginagawa ngayon ni Duterte pero lalo lamang lumala ang situwasyon noon sa kanilang bansa.

Dapat aniya ay maging balanse ang laban kontra-droga upang hindi naaapektuhan ang karapatan ng mga sibilyan.

Dagdag pa ni Gaviria, dapat din ay maresolba hindi lang ang krimen kundi maging ang isyu sa kalusugan, karapatan at paglago ng ekonomiya sa laban kontra-droga.

Si Gaviria ay naging Pangulo ng Colombia noong 1990 hanggang 1994, kung kailan nahuli ang kilalang drug trafficker na si Pablo Escobar.

Speak Your Mind

*