DSWD, itinangging pinilit ang mga benepisyaryo ng 4Ps na dumalo sa pro-Duterte rally noong Sabado

Itinanggi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo na pinilit ang mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na dumalo sa pro-Duterte rally noong Sabado.

Ayon sa kalihim, hindi nila ginagamit ang naturang programa para o laban sa anumang political agenda.

Sinabi rin ni Taguiwalo na hindi nila kailanman iba-blackmail ang mga benepisyaryo ng mga programa ng DSWD para puwersahin ang mga ito na dumalo o i-boycott ang anumang pampulitikang aktibidad.

Siniguro naman ng kalihim na iimbestigahan nila ang mga empleyado ng DSWD na umano’y nanakot sa mga benepisyaryo ng 4Ps, kung hindi dadalo sa nasabing rally.

Speak Your Mind

*