DTI, iginiit ang pagkakaroon ng business name at accreditation sa pagtatayo ng negosyo

Iginiit ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng business name at accreditation sa pagtatayo ng isang negosyo.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI na sa pagkakaroon ng business name ay may kasiguruhan ang kanilang mga consumer.

 

 

Ayon pa kay Loresco na hindi na mahirap ang pagkuha o pagproseso ng business name dahil sa Negosyo Center meron ang pangasinan kabilang na sa bayan ng Mangaldan, Lingayen, Rosales, Bayambang, Tayug, at lungsod ng Alaminos at Dagupan.

Ipinapayo naman ng DTI sa mga magpaparehistro ng business name na dapat gawin itong unique at catchy para magkaroon ng sariling identity at madali tumatak sa isip ng mga consumer.

Speak Your Mind

*