DTI, magsasagawa ng business financing forum para sa kanilang pagpapa-utang

Kasado na ang isasagawang Business Financing Forum sa lalawigan ng Pangasinan para sa pagpapa-utang sa maliliit na negosyante o sa mga nasa Micro Small and Medium Enterprises (MSMES).

Matatandaang una nang inihayag ni Pangulong Duterte na wakasan na ang sestima sa pagpapautang ng ‘5-6’ na siyang nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI na sa isasagawang Financing Forum inaasahang dadalo ang ibat-ibang bangko o financing institution.

Bahagi aniya sa tatalakayin sa Business Financing Forum na gaganapin sa lungsod ng Dagupan sa Marso a-bente kwutro ang mga kakailanganing requirement sa pagpapa-utang.

 

Ang tinig ni Marjury Loresco, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI sa panayam ng DZRD Sonshine Radio

Speak Your Mind

*