Due process, paiiralin sa mga undocumented OFW sa US

Nilinaw ni Senador Peter Alan Cayetano na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga undocumented OFW sa Estados Unidos.

Sa kabila ito ng deklarasyon kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang gagawin para tulungan ang mga Pilipino na maaapektuhan ng Immigration Policy ni U.S President Donald Trump.

Umani naman ng batikos mula sa mga grupo ng OFW si Duterte dahil sa naturang pahayag.

Pero ayon kay Cayetano, ayaw lamang ng pangulo na makialam sa anuman ang Immigration Policy ng Amerika dahil ayaw rin nito na makialam ang Amerika sa bansa.

Hindi naman aniya ibig sabihin nito ay wala ng pakialam si Duterte sa mga kapwa Pilipino na nasa abroad.

Tiniyak rin ni Cayetano na nakikipag-ugnayan na ang administrasyon sa mga U.S counterparts para masiguro ang due process sa mga undocumented OFW.

Speak Your Mind

*