Dumaraming miyembro ng Philhealth mula DSWD Region 1, kinumpirma

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office i na mas dumami ngayon ang naging miyembro ng Philhealth mula sa kanilang kagawaran.

Ito ayon kay Jaesem Ryan Gaces, Information Officer ng Pantawid Pamilya Program ng DSWD Field Office I kung saan mula ito sa matagumpay na household assessment ng DSWD.

Sinabi pa ni Cages na sa kanilang isinagawang Listahanan o dating National Household Targeting System for Poverty Reduction, lahat ng mahihirap na pamilya ay nabisita at na-interview ng ahensya.

 

Sa ilalim ng partnership ng Philhealth at DSWD, sinabi ni Cages na lahat ng benepisyaryo ng Residential Care Facility ng DSWD ay miyembro na ng Philhealth kung saan ito ay kanilang pinupunduhan.

 

Ang tinig ni Jaesem Ryan Gaces, Information Officer ng Pantawid Pamilya Program ng DSWD Field Office I.

Speak Your Mind

*