Durant, nanguna sa panalo ng Warriors kontra- Philadelphia 76ers

Pinangunahan ni Kevin Durant ang Golden State Warriors sa laban nito kontra sa Philadelphia 76ers.

Dalawampu’t pitong puntos ang ipinoste ni Durant para tapusin ang laro sa iskor na 119-108.

Wala namang naitalang three-pointer si Stephen Curry.

Pero kumarta pa rin ng labinsiyam na puntos si Curry para sa laro.

Kumamada naman ng dalawampu’t isang puntos si Klay Thompson samantalang labing-apat na puntos naman ay mula kay Draymond Green.

Si Dario Saric naman ang nanguna sa 76ers sa kanyang dalawampu’t isang puntos.

Una nang sinabi ng 76ers na hindi muna makalalaro si Joel Embiid dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod.

Speak Your Mind

*