Dwyane Wade, hindi muling makapaglalaro kontra sa Boston Celtics

Hindi makapaglalaro sa ikatlong sunod na pagkakataon si Chicago Bulls Shooting Guard Dwyane Wade dahil sa sakit.

Makahaharap ngayon ng Bulls ang Boston Celtics.

Isang linggong hindi makalalaro si Wade bago ang laban sa Pebrero 24 kontra sa Phoenix Suns.

Ang laban ng Bulls kontra Celtics ang pinakahuling laban bago ang All-Star Game sa Linggo.

Samantala, muli namang maglalaro para saBulls ang kanilang back forward na si Nikola Mirotic na bigong makalaro sa nakalipas na dalawang laban dahil sa sakit ng likod.

Speak Your Mind

*