Ellen Adarna, itinanggi na nagkaroon sila ng ugnayan ni John Lloyd Cruz

Diretsahang itinanggi ni Ellen Adarna na nagkaroon sila ng ugnayan ni John Lloyd Cruz.

Na-tsismis ang dalawa nang mag-post si Ellen ng larawan nila ng aktor.

Naging magkatrabaho rin ang dalawa sa isang romance-commedy sitcom ngayon sa Kapamilya Network.

Ibinahagi rin ni Ellen na hindi pa man siya nag-aartista ay magkakakilala na sila ni John Lloyd.

Parehong single ngayon si Ellen at John Lloyd.

Speak Your Mind

*