Environmental Awareness Month, isinagawa ng isang paaralan sa Dagupan

Matagumpay ang isinagawang environmental awareness month ng Divine World Academy of Dagupan (DWAD) bilang pagpapahalaga sa kapaligiran at pangangalaga sa kalikasan.

Ang nasabing pagdiriwang ay kasabay ng Mathematical and Science Fair na pinangunguhan ng mga guro at mag-aaral na ginanap sa dwd gynasium sa lungsod ng Dagupan.

Kasama rito sa aktibidad ay ang Environment Advocacy Video Presentation, isang daan para mamulat ang kamalayan ng mga kabataan sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay ms. Alicia Ferrer, Principal ng DWAD na kasama na sa adbokasiya ng paaralan ang cleanliness, at save the mother earth.

 

Samantala, ang dalawang araw na aktibidad ay sa pangunguna ng math club ng dwad kabilang na ang math and science quiz bee, pi master, math relay, art artach, sci-dance and singing competition at science exhibit.

Speak Your Mind

*