Farmers and Youth School, isinusulong para sa tamang pag-aalaga ng hayop

Posibleng masimulan na sa buwan ng hunyo ang isinusulong na Farmers and Youth School ng Philippine Carabao Center (PCC) hingil sa tamang pagaalaga ng mga hayop.

Ito ang inihayag ni Gloria Dela Cruz, Director ng Philippine Carabao Center (PCC) sa panayam ng DZRD Sonshine Radio kung saan pasisimulan ito sa isang paaralan sa lungsod ng Urdaneta.

Layun umano nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka ng training activity para sa tamang pag-aalaga ng hayop at mapalakas ang agriculture sector ng Pangasinan.

Iginiit pa ni Dela Cruz na ang Pilipinas ay may tamang temperatura at magandang lokasyon para sa pag-aalaga ng hayop, ang kailangan lang aniya ay pagtutulungan para makamit ang sustainable livelihood para sa mga livestock farmers.

 

 

Ang tinig ni Gloria Dela Cruz, Director ng Philippine Carabao Center (PCC) sa panayam ng DZRD Sonhsine Radio.

Speak Your Mind

*