Fire Prevention Month sa buwan ng Marso, pinaghahandaan na ng BFP-Pangasinan

 

Naghahanda na ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan sa selebrasyo ng “Fire Prevention Month” para sa darating na buwan ng Marso.

Ito ay may temang “Buhay at Ari-Arian ay Pahalagahan, Ibayong Pag-iingat sa Sunog ay sa sariling pamamahay simulan”.

Nilinaw ni Arthur Zarate, Provincial Chief Marshall ng BFP-Pangasinan, ang fire prevention ay dapat magsimula sa sarili at sa loob ng mismong pamamahay.

Layun umano ng Fire Prevention Month ngayong taong 2017 na gisingin ang kamalayan ng publiko sa papalapit na tag-init, dahil ito ang panahon na malaki ang posibilidad sa pagkakaroon ng sunog.

Inaasahan namang isasagawa sa lungsod ng Dagupan ang Regional Kick-Off ng Fire Prevention Month ngayong taon at dadaluhan ito ng matataas na opisyal ng BFP.

Speak Your Mind

*