“Fire Safety and Awareness”, tinututukan ng DepEd bahagi sa Fire Prevention Month

Dahil sa papalapit na tag-init, nakatutok ngayon ang Department of Education (DepEd) Pangasinan 1 sa kanilang “Fire Safety and Awareness Program” bahagi sa selebrasyon ng Fire Prevention Month.

Ito ang inihayag ni Engr. Darwin Rivera, Project Development Officer (PDO) Ii, ng School Division Office – DepEd Pangasinan I sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Rivera na batay sa inilabas na memorandum ng Deped Regional Office i nakapaloob dito ang Fire Safety and Management sa ilalim ng Deped Order No. 28 serries 2016, kabilang na rito ang “fire safety plan, fire safety inspection, fire drill at fire safety lecture.

Binigyang diin n Rivera ang kahalagahan ng tamang koordinasyon sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa pagsasagawa ng naturang mga aktibidad.

 

Dapat din naman umanong makipag-coordinate ang lahat ng paaralan sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Office (LDRRMO) para sa pagsasagawa ng quarterly fire drill at fire safety lecture.

Speak Your Mind

*