German national na bihag ng ASG, pinugutan na ng ulo

Kinukumpirma pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat na pinugutan na ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang bihag nilang German national na si Juergen Kantner.

Ito ang inihayag ni AFP Public Affairs Office Col. Edgar Arevalo, kasunod ng balita na may pinugutan ng ulo ang ASG.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng search and rescue mode ang militar sa mga lugar na maaaring pinagdalhan sa bihag.

Magugunitang nagbanta ang teroristang grupo na pupugutan nila si Kantner matapos ang isinagawang airstrike ng AFP sa Patikul, Sulu noong Sabado.

Una nang humingi ng ransom ang Abu Sayyaf para sa kanilang bihag na German national ngunit nanindigan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng ‘no ransom policy.’

Speak Your Mind

*