H.E.A.R.T Campaign, isinusulong laban sa tumaas na kaso ng HIV/AIDS

Heart Campaign – Popcom

Patuloy na isinusulong ng Commission on Population o POPCOM Region 1 ang H.E.A.R.T Campaign ngayong buwan ng pebrero na nakasentro sa kapakanan ng mga kabataan.

Sa panayam ng DZRD sonshine Radio, sinabi ni Ma. Christina Martinez, Information Officer ng POPCOM Region 1 ang the H.E.A.R.T Campaign ay kinapapalooban ng H – para sa HIV/AIDS, E – para sa early sexual encounter,  A – para sa adolescent sexuality, R- para sa reproductive health at T para sa teenage pregnancy.

Ayon kay martines, nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng mayroong hiv/aids batay sa tala ng HIV and AIDS Registry of the Philippines (HARP) ng Department of Health (DOH).

Karamihan sa kaso ng HIV/AIDS ay mula sa mga kalalakihan na nasa edad 25 hanggang 34 taong gulang at mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 25 taong gulang.

Dagdag pa ni Martinez na kadalasang nakukuha ang naturang sakit sa sexual contact at pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

 

Nabatid na sa buong Region 1, Ilocos Sur ang may pinaka mataas na kaso na nasa 16.62 percent, Pangasinan na nasa 12.41 percent, La Union na nasa 9.51 percent at Ilocos Norte na nasa 8.60 percent noong taon 2016.

Speak Your Mind

*