Half-brother ng North Korean leader na si Kim Jong Un, patay sa Malaysia

Patay ang half-brother ni North Korean Leader Kim Jong Un sa Malaysia.

Ayon ito sa ulat South Korean Agency News na Yonhap.

Nilason umano ng dalawang babae na pinaniwalaang mga tauhan ng North Korea si Kim Jong Nam sa loob ng Kuala Lumpur Airport.

Si Kim Jong Nam ang panganay na anak ni Kim Jong Il sa isang South Korean actress na nasawi sa Moscow.

Nagtago si Kim sa Malaysia mula ng bitayin ang tiyuhin nito na si Jang Song-Thaek noong 2013.

Una nang nakaligtas si Jong-Il sa tangkang pagpatay sa kaniya sa Macau noong 2011.

Speak Your Mind

*