Hamburg Airport sa Germany, binulabog ng nakasusulasok na amoy

Isinugod sa pagamutan ang nasa 50 katao makaraang makalanghap ng hindi pa matukoy na nakasusulasok na amoy na hinihinalang kemikal sa loob ng Hamburg Airport sa Hamburg, Germany.

Marami sa nakalanghap ng nasabing amoy ay nakaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng mata, at pagsusuka.

Napilitan rin ang mga awtoridad na pansamantalang ihinto ang operasyon ng paliparan at ilikas palabas ang daan-daang pasahero.

Isinasagawa pa ang imbestigasyon para matukoy kung anong uri ng kemikal ang pinagmulan ng nasabing amoy na nalanghap ng mga biktima.

Speak Your Mind

*