Health minister ng Malaysia, kinumpirmang VX toxin ang kumitil sa buhay ng half-brother ni NoKor Leader Kim Jong Un

Ibinunyag ng Health minister ng Malaysia na maraming VX toxin ang naipahid kay Kim Jong-Nam kaya ito agad nasawi sa loob lamang ng labinlima hanggang dalawampung minuto.

Ang VX toxin ay isang kemikal na maituturing na weapon of mass destruction.

Nilason si Jong-Nam sa Kuala Lumpur Airport ng dalawang babae na nagpahid ng naturang toxin sa kanyang mukha.

Inakala naman umano ng mga suspek na TV prank lamang ang kanilang gagawin na papahiran nila ng baby oil ang mukha ng biktima.

Binayaran umano sila ng 80 dollars para rito.

Itinanggi naman ng North Korea (NoKor) na may kinalaman sila sa paglason sa half-brother ng lider nilang si Kim Jong Un.

Speak Your Mind

*