Hepe ng Samsung Group, inaresto sa gitna ng corruption scandal sa SoKor

Inaresto si Samsung Group Chief Lee Jae-Yong dahil sa umano’y papel nito sa corruption scandal sa South Korea (SoKor) na naging dahilan para ma-impeach si South Korean President Park Geun-Hye.

Si Lee ay vice chairman ng Samsung Electronics.

Akusado ang Samsung sa umano’y pagbibigay ng donasyon sa non-profit foundations ni Choi Soon-Sil na kaibigan niPark.

Kapalit umano ng mga donasyon ang mga pabor sa gobyerno.

Sinabi naman ng Samsung Group na titiyakin nilang lalabas ang katotohanan sa mga susunod na pagdinig ng korte.

Speak Your Mind

*