Hiling na TRO ni Senador De Lima, ibinasura ng CA

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ni Senador Leila De Lima na pigilan ang Department of Justice (DOJ) na magdesisyon sa kasong kriminal na inihain laban sa kanya kaugnay ng Bilibid drug trade.

Sa desisyon ng CA, tinanggihan nito ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) pabor kay De Lima.

Bigo umano ang senadora na patunayang makararanas siya ng ‘irreparable loss’ kung hindi mapagbibigyan ang hirit.

Sa halip ay inatasan ng CA ang DOJ na magkomento sa nasabing petisyon ni De Lima sa loob ng 10 araw.

Bibigyan din ng pagkakataon si De Lima na sagutin ang komento ng DOJ sa loob din ng 10 araw.

Speak Your Mind

*