Hustisya sa bansa, gumagana matapos ang pag-aresto kay De Lima

Gumagana ang hustisya sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos ang pag-aresto kay Senadora Leila De Lima.

Aniya, bagama’t medyo mabagal, makikita naman na gumugulong ang hustisya sa bansa.

Kinastigo rin ni Alvarez ang mga kaalyado ni De Lima sa Liberal Party (LP) na nagsasabing political persecution ang pag-aresto sa senadora.

Paliwanag ni Alvarez, malinaw na ang lumabas sa pagdinig ng Kamara ang naging basehan para sampahan ng kaso si De Lima.

Dagdag pa nito, probable cause pa lamang ang pinag-uusapan sa kaso ng senadora at hindi pa ang guilt beyond reasonable doubt.

Si Alvarez ay isa sa mga naghain ng ethics complaint sa Senado matapos payuhan umano ni De Lima ang dating driver-lover na si Ronnie Dayan na huwag dumalo sa pagdinig ng Kamara.

Speak Your Mind

*