Ilulunsad na “Ligtas at Aktibong Pamayanan” ng PDRRMO, kasado na

Kasado na ang ilulunsad na programa ng Provincial Government sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO na “ligtas at aktibong pamayanan” bahagi sa disaster preparedness ng probinsya.

Ayon kay Joven Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO, nakatakdang pasinayaan ang naturang programa sa darating na Biyernes, Pebrero a-bente singko na lalahukan ng mga pagtesipante mula sa Department of Education (DepEd).

Inaasahan umano ang pagdalo ng mahigit tatlong daang estudyante ng Pangasinan National High School para talakayin ang mga kalaaman sa  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Preparedness.

Samantala, bahagi rin aniya sa programa ang pagtungo sa mga barangay upang ituro ang mga dapat gawin sa bago o pagtapos ng lindol.

 

Ang tinig ni Joven Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*