Inisyal na detalye sa kasal nina Arthur at Rochelle , ipinasilip

Ibinahagi ni Arthur Solinap ang inisyal na detalye ng kasal nila ng girlfriend na si Rochelle Pangilinan.

Ayon kay Arthur, sa Agosto ngayong taon nila planong ganapin ang kanilang kasal dahil ito kasi ang kanilang anniversary month.

Sa Tagaytay rin gaganapin ang kasal na sobrang memorable place daw para kay Rochelle.

Naihanda na rin daw ni Arthur ang bahay na titirhan nila ng mapapangasawa.

Apat hanggang lima naman ang gusto ni Arthur na maging anak nila ng dating Sexbomb dancer.

Speak Your Mind

*