Internship, hindi kabilang sa moratorium ng Ched kaugnay sa pagdaraos ng field trips

Kinumpirma ng Commission on Higher Education o CHED Regional Office 1 na may mga school activities na hindi sakop ng umiiral na moratorium kaugnay sa pagdaraos ng field trips.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio, sinabi ni Danilo Bose, Supervising Education Program Specialist ng CHED Region 1 na ito ay ang sinasabing ‘internship’ kabilang na ang on-the-job training, practicum, field instruction, field study at ship board training.

Ayon pa kay Bose, ang lahat ng aktibidad ay requirement para makapagtapos sa pag-aaral ang mga estudyante kung saan dito isinasagawa ang aplikasyon ng kanilang natutunan sa loob ng paaralan.

 

Paalala lang ni Bose sa mga kolehiyo at unibersidad na tiyakin ang siguridad ng mga estudyante bago gawin ang school activities na hindi sakop o hindi nabanggit sa moratorium ng Ched.

 

Ang tinig ni Danilo Bose, Supervising Education Program Specialist ng CHED Regional Office 1.

Speak Your Mind

*