IPP program ng NFA, ipinatutupad para matiyak ang presyo at suplay ng bigas

Nakatutok ngayon ang National Food Authority (NFA) Western Pangasinan sa rice distribution sa mga NFA Accredited Outlet at pamimili ng palay ng mga magsasaka.

Ito ayon kay Chona Maramba, Administrative Officer ng NFA Western Pangasinan ay upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado at posibleng kakulangan ng suplay ng bigas.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Maramba na bahagi sa kanilang Institutionalized Procurement Program (IPP) na bilhin ang aning palay ng magsasaka sa halagang P17 per kilogram.

Sa pamamagitan aniya ng IPP Program, nabibigyan ng insintibo ang grupo at indibidual na mga magsasaka, gaya ng 30 sintabo per kilogram sa IPP fee, 20 sintabo sa drying incentives fee at 20 sintabo sa delivery.

Nakahanda rin aniya ang Mobile Procurement Program ng NFA para sa pagkuha at pagdadala ng mga aning palay ng mga magsasaka sa NFA Warehouse.

Speak Your Mind

*