Isang Pinoy worker, nasawi sa carnival sa Hong Kong

Isang pinoy worker ang nasawi habang nagkakalas ng roller coaster ride sa isang carnival sa Hong Kong.

Kinilala ni Vice Consul Alex Vallespin ang 25-anyos na biktimang si Norman Canlas Padilla.

Bumagsak umano ang may anim na metrong taas na platform habang kinakalas ito ni Padilla.

Bumiyahe na papuntang Hong Kong mula sa Middle East ang kapatid ni Padilla.

Sasagutin umano ng kumpanya ang repatriation ng mga labi ni Padilla at gastos sa pagpapalibing dito.

Speak Your Mind

*