Isinagawang Blood Donation Drive ng KBP-Pangasinan Chapter, matagumpay

Matagumpay ang ika-apat na taong Blood Donation Drive at First Aid Lecture & Demo ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Pangasinan Chapter na isinagawa nitong Sabado, Pebrero a-18, 2017 sa Robinson Place’s Calasiao, Pangasinan.

Nagkaisa ang mga KPB members, media practitioners, at mga volunteers mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang boluntaryong nag-donate ng dugo.

Ayon kay Mark Gemson Espinoza, KBP-Pangasinan Chapter President, ang nasabing aktibidad ay bilang pagsuporta at pagtugon sa panawagan ng Philippine Red Cross para sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng dugo.

Dagdag pa ni Espinoza na mahalaga ang pagbibigay ng dugo dahil makapag-liligtas ito ng buhay ng tao.

Nabatid na umabot sa mahigit animnapung pack ng dugo ang nakolekta sa nasabing KBP Blood Donation Drive na may temang “Broadcaster Ka Na, Life Saver Ka Pa”.

Speak Your Mind

*