Jeff Horn, naasar sa pagpapasurvey ni Manny Pacquiao

Nadismaya si Australian Boxer Jeff Horn sa pagpapasurvey ni 8-world boxing champion Manny Pacquiao kung sino ang dapat na susunod niyang makakalaban.

Ayon kay Horn, nalilito siya at nakakadismaya ang hakbang na ito ni Pacquiao.

Aminado si Horn na naasar siya dahil sa paggamit ng twitter ni Pacquiao samantalang pumayag na raw ang pinoy boxing icon na harapin siya sa Abril 23.

Dahil dito, tinawag na lamang ni Horn ang ginawa ng kampo ni Pacquiao na “mind games” para lituhin siya at palabasin na kaya nilang magdikta sa mga susunod na negosasyon.

Sa isinagawang pa-survey ni Pacquiao, mahigit sa 44,000 ang nakilahok.

Mas marami ang bumoto kay Amir Khan na may 46%, pangalawa ang British Boxer na si Kell Brook at ang undefeited at champion na si Terence Crawford na parehong nakakuha ng 24%.

Habang panghuli naman si Horn na nakakuha ng 7%.

Speak Your Mind

*