Kahalagahan ng pagkakaroon ng field trip, inihayag ng isang opisyal ng Deped

Naniniwala ang Department of Education (DepEd) Regional Office 1 na hindi dapat itigil o suspendihin ang pagpapatupad ng educational field trips ng mga paraalan sa kanilang estidyante.

Ito ayon kay Darius Nieto, Project Development Officer IV at Information Officer ng Deped-Region 1 ay dahil marami ang matutunan ng mga estudyante sa field trip.

Iginiit ni Nieto na malaki ang naitutulong ng mga educational field trips dahil nadaragdagan ang kaalaman ng bata sa mga bagay na wala sa loob ng paaralan.

 

Mahigpit naman umanong ipinagbabawal ng DepEd ang pagsasagawa o pagtungo ng field trip sa mga mall o noontime TV show sa halip dapat itong isagawa sa mga educational places gaya ng cultural o historical sites, museum o mga science exhibit.

Kasabay nito, hinikayat ng DepEd ang mga magulang na dumalo sa mga isinasagawang pagpupulong sa paaralan upang malaman ang mga activities ng kanilang mga anak.

Speak Your Mind

*