Kampo ni VP Robredo, iginiit na hindi mapatutunayan ng SD cards

Hindi natatakot ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagbasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa hirit nilang ibasura ang electoral protest ng nakatunggaling si dating Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa election lawyer ni Robredo na siRomulo Macalintal, kumpiyansa sila sa Korte Suprema na nagsisilbing PET.

Umaasa rin ang kampo ni Robredo na mag-a-appoint ang PET ng hearing officer, kung saan ay maisusumite nila ang kanilang mga ebidensiya.

Iginiit din ni Macalintal na hindi mapatutunayan ng SD cards ang umano’y iregularidad at dayaan noong eleksiyon.

Una nang sinabi ni Macalintal na ‘procedural matter’ lang umano ang naging resolusyon ng PET para makapagprisinta ng ebidensiya si Marcos.

Speak Your Mind

*