Kapitan ng barangay na sumuko sa ‘Oplan Tokhang,’ patay sa pamamaril sa Butuan City

Patay sa pamamaril ang isang kapitan del barrio ng Barangay Mahay, Butuan City.

Kinilala ang biktima na si Kapitan Antenor Villamor, apatnapu’t apat na taong gulang, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa kamay, katawan at bibig.

Nabatid na si Villamor ay unang sumuko sa “Oplan Tokhang” dahil sa pagiging drug user nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Butuan City Police, dalawang nakamotorsiklo ang suspek sa pagpatay kay Villamor.

Ayon sa pulisya, aktibong tumutulong si Villamor sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo at mga responsable sa krimen.

Speak Your Mind

*